Friday, January 24, 2014

pilit na kinakalimutan
pinagdarasal na mawala
hinihiling na matapos
ngunit lagi rin namang bumabalik

minabuting umiwas
sayo ay lumayo
nakinig sa sabi nila'y tama
pero paulit-ulit kitang hinahanap

binibilang mga araw mula sa huling pag-kikita
umaasa na muling mag-usap
kamustahan at kwentuhan
tadhana na lang ang bahala