Thursday, September 19, 2013

UPOS

O kay bilis naman ng pangyayari
Kahapon lamang tayo ay nakangiti
Kagabi ay 'di maubos ang tawa
Lahat ay bigla nalang nawala

Parang sinidihang sigarilyo
Kasiyahan ay ating inabuso
Bawat usok na ating ibinuga
Nagdulot ng sakit sa iba

Nagpadala sa sarap ng bawat paghithit
Naniwala sa kasinungalingang bitbit
Sinindihang sigarilyo'y unti-unting nauubos
Parang kwento natin na nalalapit ng matapos

No comments:

Post a Comment