Sunday, August 18, 2013

BUWAN

Hindi ko na mawari
Ano nga ba ang nangyari
Noon ay inakala
Ika'y magdudulot ng saya
Ngunit ika'y biglang nawala
Lumisan na parang bula
Ano nga ba ang nangyari
Pangako mo ay nabali

Natatandaan mo ba
Kung paano tayo nagsimula?
Pilit kitang nilayo
Sabi ko'y walang patutunguhan ito
Ngunit di ka lumisan
Sa tabi ko'y ika'y laging nariyan
Kaya aking sinubukan
Pag ibig mo'y pinagbigyan

Masaya ang mga unang araw
Bawat sandali ating isinasayaw
Nangakong kahit kailan di iiwan
At magkasamang panunuorin ang buwan
Ngunit, ano nga ba ang nangyari
Pangako mo ay nabali
Ikaw ay umalis
Iniwan akong naghihinagpis

No comments:

Post a Comment