Minsan ang saya isipin
Sa kabilang dulo'y may nakatingin
Nag-aabang, nahuhumaling
Minsan ang sarap yakapin
Paniniwalang lumalapit sa'kin
Ano nga ba ang dapat gawin?
Minsan hindi ko na mawari
Ano nga ba ang nangyayari
Bakit hindi na ako mapakali?
Damdamin ko ba'y nilalaro
Pinapaikot, nililito?
Utak ko'y iyong ginugulo
Dapat nga bang magtiwala
Sa estrangherong sumalta
Na nagbibigay ng lubos na saya?
Dapat nga bang alamin
Nakaraa'y dapat bang hukayin
O hayaan nalang siyang umamin?
Ako'y binalaan
Nadarama'y wag patulan
Ito'y walang patutunguhan
Handa nga bang iwanan
O dapat bang ipaglaban
Ako'y naguguluhan
Hayaan bang may masaktan
Para kasiyaha'y makamtan
O dapat na bang kalimutan?
Wag na nga lang pag-usapan
Agos ay sasabayan na lamang
Ewan ko, hayaan ko nalang
Sa kabilang dulo'y may nakatingin
Nag-aabang, nahuhumaling
Minsan ang sarap yakapin
Paniniwalang lumalapit sa'kin
Ano nga ba ang dapat gawin?
Minsan hindi ko na mawari
Ano nga ba ang nangyayari
Bakit hindi na ako mapakali?
Damdamin ko ba'y nilalaro
Pinapaikot, nililito?
Utak ko'y iyong ginugulo
Dapat nga bang magtiwala
Sa estrangherong sumalta
Na nagbibigay ng lubos na saya?
Dapat nga bang alamin
Nakaraa'y dapat bang hukayin
O hayaan nalang siyang umamin?
Ako'y binalaan
Nadarama'y wag patulan
Ito'y walang patutunguhan
Handa nga bang iwanan
O dapat bang ipaglaban
Ako'y naguguluhan
Hayaan bang may masaktan
Para kasiyaha'y makamtan
O dapat na bang kalimutan?
Wag na nga lang pag-usapan
Agos ay sasabayan na lamang
Ewan ko, hayaan ko nalang
No comments:
Post a Comment