Sa hindi malamang dahilan
Ako ay naguguluhan
Ano nga ba ang iyong balak
Pag-ibig mo ba ay aking makakamtam
Alam kong ito'y hindi tama
Isiping pareho tayo ng nadadama
Ngunit hindi ko mapigilan
Sayo'y mahulog nang tuluyan
Alam kong ito'y mawawala
Kasiyahan ay panandalian lamang
Sasabay na lamang sa agos
Hanggang lahat ng ito'y matapos
Ako ay naguguluhan
Ano nga ba ang iyong balak
Pag-ibig mo ba ay aking makakamtam
Alam kong ito'y hindi tama
Isiping pareho tayo ng nadadama
Ngunit hindi ko mapigilan
Sayo'y mahulog nang tuluyan
Alam kong ito'y mawawala
Kasiyahan ay panandalian lamang
Sasabay na lamang sa agos
Hanggang lahat ng ito'y matapos
No comments:
Post a Comment