Sunday, August 18, 2013

IGLAP

Malungkot na yugto ang naganap
Katanunga'y nasagot sa isang iglap
Ngunit parang merong di akma
Ako'y nahusgahan ng madla

Ako nga ba ang may sala
Sakit nila sa akin daw nagmula
Mali nga ba ang nagawa
Putang ina, ako ay natatawa

Ilang beses na itong napagdaanan
Tawanan at kulitan ay pinagbawalan
Sanay makatanggap ng mura
Ngunit ako'y di pa rin nadala

Nawa'y kanilang maintindihan
Ako rin po ay naguluhan
Walang masamang binalak
Ito ang katotohanang aking hawak

Ngunit alam kong ito'y walang kwenta
Opinyon nila'y nakalapat na sa mukha
Paghuhusga'y di ko na mababawi
Galit nila'y di na mapapawi

Isa lang ang sasabihin ko
Saktan kayo'y di ko ginusto
Paniwalaan man o hindi
Sa totoo lang, wala na akong paki

No comments:

Post a Comment