Sunday, August 18, 2013

MUNTING HILING

Pilit winawaksi ang pait ng nakaraan
Kasalanan na inamag na ng panahon
Musmos pa lamang nang maranasan
Ngunit hanggang ngayon di pa din makalimutan

Walang ibang hiniling kundi mabuo
Pamilyang nawasak dulot ng panahong makabago
Oo, ito ay sinisisi ko sa teknolohiya
Punyeta yan, puro sakit lang ang nagawa

Hindi malilimutan na kami ay pinagpalit
Sa isang tao na salita lamang ang gamit
Lahat ay nabalewa
Paggalang ko sa iyo ay nabura

Pero ano itong nangyayari
Damdamin ko'y tila nabali
Tayo ay muling nag-uusap
Makalipas ang dekadang kay saklap

Maaring nagkapatawaran na tayo
Ngunit hindi pa rin nito mababago
Kahilinga'y gustong makamit
Kahit sandali, mabuo sana tayong muli

No comments:

Post a Comment